Sa totoo lang, di ko talaga choice ang maging Marino. Wala lang ako maisip nung nag graduate ako nung Highschool ako kaya nag "Come what may" na lang ako. At eto ang narating ko nang dahil sa motto na yun. Ang pagiging isang Marino.
Masaya naman. Exciting yungmga subjects maliban nga lang sa MAth. kahit kelan talaga ayaw ko na nang Math. Kaso wala ako magagawa. Habang buhay na yata nakadikit sa buhay ngtao ang Math.
Sa ngayon, third year college na ako sa Maritime Academy of Asia and the Pacific. At na-eenjoy ko naman ang mga pinaggagawa ko sa buhay. Hindi ka pa ba mag enjoy kung bigyan ka ng school ng sponsor mo sa pag aaral. Uniform lang babayaran. Tapos sagot pa ang Shipbard Training. Hindi lang sa Philippine Tour kasama pa ang international tour. Kaya naman ang saya saya sobra ng buhay ko ngayon.
Kaso minsan napapaisip ako kapag dumadaan ako sa part na nahihirapan ako sa course na pinili ko. Dual kasi ako. Ibig sabihin Marine Transportation and MArine Engineering ako. Oo, possible yun. kasi nga yun ang course ko. Mahirap at enjoy. Ewan, minsan masaya minsan hindi, nakakalito din sa utak. Hindi kasi naka-focus yung mind sa isang field. Pero syempre kailangan para mag karoon ng degree pag graduate kaya kailangan tiisin.
Bakit ko nga ba naisipan i-post ang blog na ito? Ahh. alam ko na. Kasi nabaliw ako bigla. Hahaha. nakalimutan kong Dual ako habang nandito akop sa barko. Kinalimutan kong seryosohin ang isa pang field na meron ako. Kaya ayun, para akong piping lata nung isang araw nung tanungin ako ng sangkaterbang bagay patungkol sa mga machinery dito. Basic lang ang tanong di ko masagot ng complete. Nakakhiya pero ano nga ba naman ang magagawa ko. Kasalanan ko din naman.
Haay. pero alam ko malampasan ko din naman lahat ito. Kaya sana kayong mga nag-aaral sa kurso hindi niyo talaga unang napili, tapusin niyo na lang muna yang kurso na yan.,kaysa magsayang kayo ng maraming panahon and end up na walang natapos.
No comments:
Post a Comment