BUHAY MARINO: PART 2:
102 PALATANDAAN NA IKAW AY SEAMAN
IKALAWANG KABANATA
1. Marami kang picture na 1 x 1 o 2 x 2 sa wallet mo since nung wala ka pang bigote.
2. May bolitas ka.
3. Kung wala, naisip mo ng magpalagay.
4. Nakipag away ka na sa medical clinic o sa isang tanggapan ng gobyerno, lalo na sa medical clinic.
5. Kung hindi pa, darating din ang araw na makikipag away ka.
6. Kung may magandang nabili ang kasamahan mo sa shore, bibili ka din. Mas marami.
7. Pag lumalabas ka ng barko hindi ka pumupunta sa simbahan.
8. Pag uwi mo sa Pinas, excess baggage ka dahil marami kang dalang lux na sabon.
9. Mag aaway kayo ng misis mo dahil sa mga barkada mong seaman din.
10. Kung binata ka pa, wag kang mag alala, pag nag asawa ka, mag aaway kayo ng misis mo dahil sa mga barkada mong seaman din.
11. Hahanapan ka ng pasalubong na stateside kahit galing ka ng Africa o Timbuktu.
12. May magpapabili sayo na kapit bahay ng isang mahal na gamit sa abroad pero walang ibibigay na pera.
13. Hindi ka na sanay uminom ng soft drink sa bote.
14. Dahil zusyal ka na, nasanay ka na uminom ng soft drink in can.
15. Naaalangan ka ng maglaba sa kamay, naghahanap ka na ng laundry.
16. Hindi ka na sanay maligo na may tabo, dahil nasanay ka na sa shower.
17. Narinig mo na ang salitang “seaman ka? Eh di marami ka ng napuntahang bansa?”
18. OO ang sagot mo kahit pare-pareho lang ang hitsura ng mga jetty na naapakan mo. (apak lang)
19. Kung masarap ang buhay ng seaman, bakit ayaw mong pag seamanin ang anak mo?
20. Dahil babae ang anak mo, dapat dun ay seawoman.
21. Pero hindi mo alam na hindi na seaman ang tawag sa mga seaman, seafarer na, dahil meron na ring babaeng seaman. (o seawoman?)
22. Pag nasa eroplano ka at tinanong ka ng stewardess ng “coffee or tea?” ang sagot mo ay “Coke please.”
23. Hindi dahil sa hindi mo naintindihan ang tanong, kundi yun na kasi ang nakasanayan mong inumin tuwing “kape”.
24. “Kape” ang tawag mo sa breaktime kahit ang iniinom mo ay juice.
25. Juice ang tawag mo sa iced tea.
26. Nasabi mo na ang mga salitang “bumili ako ng bagong bala.”
27. Bala ang tawag mo sa vcd at dvd.
28. Nasabi mo na rin ang mga salitang “anong bago mong tape?”
29. Tape ang tawag mo sa disc ng vcd at dvd.
30. Hindi ka na nagtataka na pare-pareho ang hitsura ng mga secretary sa mga kawanihan at ahensya ng gobyerno, kung hindi masungit, nakasimangot.
31. Pinagpapasensyahan mo na lang sila dahil alam mong mababa lang ang kanilang sweldo.
32. Kaya nagbibigay ka ng padulas para mapabilis ang processing ng papers mo.
33. At makikita mo na hindi na nakasimagot si secretary.
34. Ikaw ang dahilan kung bakit palasak ang lagayan sa airport at mga pwerto.
35. Dahil pinamihasa mo ang mga hinayupaks sa kinang ng dolyar!
36. May kakilala kang seaman na nabiktima ng Ativan Gang.
37. Kaya nag iingat ka na, hindi ka na “naninilaw” pag lumalabas.
38. Ang mga alahas mo ay itinatago mo na lang sa bahay. (Bahay Sanglaan).
39. Nasusuka ka na kapag naririnig mo ang salitang itlog… itlog… itlog.
40. Dahil buong kontrata mo ay araw araw kang nag iitlog sa almusal.
41. Kaya pag uwi mo sa Pinas, ang hinahanap mo sa hapunan ay balot. (itlog pa rin).
42. Natatakam ka sa taho na nilalako sa kalye dahil walang taho sa barko.
43. Pag nasa gitna kayo ng dagat nangako ka sa mga santo ng alon na hindi ka na mag sho-shore leave dahil gusto mong makapag ipon.
44. Pag dating nyo sa pwerto mas nauuna ka pang lumabas sa agent.
45. 29 inches ang tawag mo sa TV na 29-inch-screen.
46. Plies ang tawag mo sa flier.
47. Binibili mo ang lahat ng bagong damit para sa pamilya mo at nagtitiis ka sa suot mong pinagkupasan na ng panahon.
48. Madalas mong sabihin ang mga salitang “sikat-sikat”, dako-dako”, “easy-easy” at “bira-bira”.
49. Ang tawag mo sa mga kaibigan mo ay “migs”.
50. Kung taga kubyerta ka, maputi ang noo mo at maitim ang pisngi mo, dahil yun lang ang naaarawan pag binalot mo na ang ulo mo.
51. May maputi kang linya sa magkabilang panga dahil sa strap ng helmet.
52. Kung taga makina ka, may itim na dumi sa singit ng iyong mga kuko.
53. Minsan amoy krudo ka.
54. Pag nasa bahay ka, naghahanap ka na ng gloves pag nagtatrabaho.
55. Minsan gusto mo pang isulat ang overtime.
56. Marami kang ipon na joke.
57. Pero karamihan ay luma.
58. Hindi ka na makakain ng walang sabaw sa pananghalian.
59. Naninibago ka sa bahay nyo sa kainan ng alas siete sa hapunan.
60. Sabik kang manood ng Eat Bulaga at Wowwowee.
61. Madalas mong gamitin ang salitang “maniobrada”
62. Hindi mo alam na mali ang salitang yun at walang salitang ganun sa Tagalog o Spanish man.
63. Dahil ang tamang salita ay “maniobra” lang.
64. Akala mo ang Coffee Mate ay gatas din.
65. Akala mo din na ang vitamins ay nakakapagpataba.
66. Pag nasa lupa ka, nanghihinayang kang gumastos ng dollar.
67. Pero okay lang pag naka shore leave ka.
68. Sasabihin mo, “last na ito”.
69. Pero pang sampung last na yun.
70. May magtatanong sa iyo kung meron ka ng insurance policy o educational plan.
71. Kung wala pa, asahan mo sa susunod na linggo may kakatok sa bahay nyo para bentahan ka ng insurance policy at educational plan.
72. Kung dati di ka nagti-tip sa resto, ngayon nag iiwan ka na ng barya mula sa sukli mo.
73. Kung dati barya lang ang iniiwan mong tip sa resto, ngayon bente pesos na.
74. Pag bagong dating ka, kung mag shopping ka ng pamilya mo sa SM ay parang wala ng bukas.
75. Ang bigkas mo sa NIKE ay nayk.
76. Marunong ka ng mag sabi ng “keep the change”.
77. Sa barko pinapanood mo kahit ang pelikula ni Juday.
78. Nakasanayan mo ng kumain pagkatapos ng gwardya mo, dahil pag uwi mo may bayad na yan.
79. Sa mga kaibigan mo sa lupa ikaw lang ang nakakalaam ng mga salitang manifold, estopa, sondalisa, bitts, bowline at Williamson’s Turn.
80. Nung bago ka pa lang sa barko akala mo ang Piloto ay nagpapalipad ng eroplano.
81. Nung bago ka pa lang sa makina, akala mo ang governor ay isang corrupt na official ng pamahalaan.
82. Nung bago ka pa lang sa barko akala mo si Mayor ay kasamahan ng governor sa makina.
83. Hindi mo sinasabi sa mga kakilala mong babae ang salitang “breast line” dahil baka masampal ka.
84. Hindi nila alam na mooring line lang yun.
85. Pag Cadet ka sa barko hindi ka kumakain sa table. Ginagamit mo ang table para sa Line Of Position, pag kuha ng gyro error at sa sounding in meters.
86. Rayban ang tawag mo sa lahat ng sunglasses kahit ang tatak nito ay Police.
87. Kung may kwintas kang ginto, ang pendant nito ay angkla.
88. Kung may singsing kang ginto, ang design nito ay angkla.
89. Palagi ka rin naka-angkla kay Monica pag naka shore leave ka.
90. Kaya mas marami kang ipon na gintong alaala kesa sa ginto
91. Sabik kang kumain ng daing at tuyo.
92. Saka manggang hilaw na sinawsaw sa maanghang na bagoong.
93. Nasanay ka na sa checklist.
94. Kaya pati pag ebs mo at paliligo mo ay naghahanap ka na ng papel na chechekan.
95. Pag naglalakad ka sa lupa ay parang umaalon din ang lakad mo. Dahil lasing ka na naman. Umaga ka na naman umuwi.
96. Madalas kang malipasan ng gutom sa barko dahil sa wala sa oras na trabaho pag nasa pwerto.
97. Madalas ka din malipasan ng gutom sa lupa pag naglalakad ka ng papeles mo o naghahanap ng bagong kumpanya.
98. Madalas ka ding puyat lalo na pag may “maniobra” o securing on deck.
99. Madalas mong sabihin na sa Pinas ka na lang matutulog, kakain o pagpapahinga.
100. Pero pag nasa Pinas ka na, hindi ka makapagpahinga dahil pagod ka din sa training at kailangan mong gumising ng maaga kaya puyat ka.
101. Kaya habang seaman ka, ikaw ay pagod, puyat at gutom.
102. Walang logic yun pero tanggap ka lang ng tanggap. Dahil pinaniniwalaan mo ang mga binabasa mo. Kasama na ito.
No comments:
Post a Comment