Saturday, September 17, 2011

I'm Back



Waaah, ito na naman ako ulit. Hahaha. after 1 month nakalipas makakapag post na naman ako uli dito sa blog ko. 

San ko ba dapat simulan ang blog ko. O cge. Sa departure ko sa Pilipinas na lang. 

Ewan ko ba, pero nagkataon na sa pagkakataon na ito. Sabay ang departure date namin ng tatay ko. buti na lang siya ay 0400H at ako naman ay 1100H pa. At siya ang byahe by land lang. Kasi sa Subic ang joining niya ng vessel. Ako naman by plane so ppnta pa akong airport. Bale, ang ginawa namin ay hinatid muna namin ni Mama at Lauren si Papa sa office niya sa Ortigas, since dun sila susunduin ng Van na sasakyan nila papunta dun sa ship nila sa Subic. 

BAgo ang paalamanan, nagkaroon kami ng ilang mga pictorials. Eto ang ilan sa mga yan:

Father and Son. Hehehe. May similarities ba? Hehehe. 

Si Mama at Papa. Ayaw naman ngumiti ng nanay ko diba? Hehehe. Masaya lang yan na malungkot kasi first time sa kanya na sabay pa kami ni Papa na aalis. Na magiging normal na din naman sa kanya kapag tumagal na.

Family picture sana. Kaso wala yung dalawang kapatid ko. May pasok pareho. Kaya kaming tatlo na lang muna. O diba? Ang saya lang namin. Parang may out of town gala lang kami.


Lauren and Me. Hehehe. Sa buong stay ko at pag gagala namin. Sa araw na yan lang nagkataon na maging pareho ang kulay ng suot namin na damit . Hahaha. White. Katuwa lang. weekly kami nagkikita pero di pa nagkataon na pereho ang suot namin na damit. Hehehe. And I'm Happy na hinatid niya ako. Kaya salamat sa kanya.



Ngayon, yan ang mga pictorials namin dun. Hehehe. Ayos naman ang pag alis ko eh. Naging masaya naman all in all. wala naman naging problem. Wala naman sakuna na nangyari kaya ayos lahat. Sa Ortigas pala lahat yan nangyari. Kasi diyan namin hinatid ung tatay ko para sunduin sila ng Van. 

After diyan, ako naman ang hinatid ni mama at ni LAuren sa airport. Kaso ang aga pa masyado para sa flight ko. KAya ang tagal namin sobra nag antay dun sa airport. Pero ayos lang naman at least may bonding time pa kami habang nag aantay kami ng pagpasok ko sa loob ng airport. 

Dumating kami sa airport, mga mag 5am pa lang ata yun, eh papasok ako mga 8 pa ng umaga. Dapat 9 kaso ang daming tao kaya kailangan mas maaga para maiwasan ang pagka late mahirap na ma late mahal ang ticket. 

So ayun, nag almusal kami dun sa airport. Grabe ang mahal ng mga pagkain. Pero ayos naman, nabusog naman kasi ako. Tapos. dun kami tumambay sa waiting area sa labas ng airport. MAhangin kasi. tapos ayun. Kwentuhan, si mama naman txt ng txt kay papa. maya maya , niyaya ako ni lauren na mag pictorial daw kami. hahaha. natuwa naman ako. pero grabe. antok talaga ako nun. pero ayaw ko matulog din sana kasi last moment na nga naman namin yun for this year. KAso grabe makahila yung mata ko para makatulog na ako ng tuluyan. pero ayos naman ang lahat. So ayun, natuwa ako sa nga efforts ni Lauren para gawina kong awake. Lam ko divert nya lang ang sadness nya. Per ayos yun. ayaw ko kasi sya nakikita umiiyak. Rule ko yan sa kanya. Natatawa na lang ako nung puro pose na ang pinag gagawa namin dun sa rampa ng airport. Hahaha. 

Pero salamat talaga kay Lauren, Kasi ayos naman ang pag alis ko. salamat sa paghatid niya sa akin. Nakita ko nga lang siya umiyak nung nagpaalam na ako para pumasok sa loob ng airport, kaya ayun, ako naman talikod na sa kanila. Ayoko ko kasi makita yun. Di naman ako naasar, pero ayaw ko lang makita kaya umalis na ako agad. Kaya ingat ka palagi diyan LAuren. 

Salamat din kay mama, alam ko mabigat ang loob niya sa pag alis ko. Lalo na sabay pa kami ng tatay ko. Kaya mo yan ma. Masasanay din sya. syempre. eldest son niya ako kaya normal lang na makaramdam siya ng ganun. Pero magiging ok din ang lahat. Kaya ingat ka diyan palagi MA. 

LAgpas 8 na nung makapasok ako sa loob ang haba ng pila. Ang dami kasing tao na paalis din pala. So ayun, kinuha ko na ang boarding pass ko. then punta sa immigration, di na ako na hold this time ang saya lang. tapos, diretso na ako sa waiting area ng gate ko. GATE 5 ang nakalaan para sa akin. So dun na ako nagpahinga. 

Eto pala yung Waiting area nunbg GATE 5:

Dahil sa napakaaga kong nakapasok. Ayan, halos wala pang tao. Kaya ako natulog na lang muna ako habang nag aantay. almost 2 hours pa kasi ang aantayin ko. Saka di pa dumadating yung eroplano na sasakyan ko. Kaya wait wait na lang muna ako sa place na ito. NAkatulog ako. Saka na lowbat pa ako. Ayun di tuloy ako nakapag Roaming, Pero ayos lang naman. 1035H ako nakapasok sa loob ng plane nakaupo at nagpahinga agad. 

No comments:

Post a Comment