Sunday, October 2, 2011

Cakes



Naranasan niyo na bang makatanggap ng cake mula sa isang tao bukod sa pamilya mo? Siyempre, normal na naman siguro na bigyan tayo ng cake ng mga magulang natin o di kaya ng mga tito or tita natin. Ilang taon kayo nung naranasan niyo ang bagay nayun? Kasi kung ako ang tatanungin niyo, ang unang cake na natanggap ko sa birthday ko ay nangyari noong 20th birthday ko. Hehehe. Natuwa lang ako. Alam niyo kasi di kami sinanay ng mga magulang naming na dapat lagi may cake kapag birthday naming. Kaunting salo-salo lang ay sapat na sa amin palagi. Nakasanayan na kaya hindi na naming hinahanap yung mga ganung bagay kapag kaarawan naming kahit noong mga bata pa kami magkakapatid.

Ngayong birthday ko iba’t-ibang cake ang natanggap ko. Ito ang mga larawan kasama ang mga paliwanag.

 


Ito ang pinakaunang cake na natanggap ko. Hehehe. With cookies on top yan. Nagulat ako kasi naka post yang pic nay na wall ko sa FB. Di kasi ako nag expect talaga na may magbibigay sa akin ng cake. Kaya ayun, grabe ang tuwa ko. At sa sobrang tuwa ko, pinagmalaki ko pa yan sa mga kaklase ko, di ko alam kung nainggit sila o anu. Basta saya ko sobra nung nakita ko ito.





Pag binuksan ito siya. Astig diba? Mukhang masarap, kaso di ko natikman yan. Kasi nga ma expire na siya kung antayin pa ako nung cake na yan. Kaya ayun, hanggang tingin na lang ako. Hehehe. Ang daming cupcakes niyan oh, ewan ko lang kung di ka pa mabusog kakakain niyan hehehe. Kaya sobrang sobra talaga ang pasasalmat ko sa taong nagbigay sa akin niyan. Highly appeciated talaga. Salamat. Hindi ko na ito nakita sa personal pero at least naibigay siya sakin through facebook. Yung cookies pala na kasama niya on top kanina, nakita ko pa yun in person. Kaso di ko na nakain kasi pa-expire na din siya. Pero ayos lang. Basta ang saya ko talaga sa bagay na ito.






Oh ha. Ito ang pinakanakakabigla na cake sa buhay ko. Grabe, sobrang surprise talaga yan. Pumasok kami sa Goldilocks sa SM Dasma. Tapos, pinaupo niya ako doon sa pinakadulo na upuan. Sa totoo lang wala talaga pumasok sa isip na ganyang bagay. Nagulat na lang ako nung may dala yung isang crew na cake at may sindi pa yung kandila. Nangyari ito august 27, 2011 na. Sabi niya sa akin, post birthday celebration ko daw. Grabe, di ko akalain na continued pa pala ang mga surprises. Chocolate Mousse pala ang cake na yan. Ayun, syempre speechless na naman ako. Anu pa ba aasahan sa akin pagdating sa mga reaction sa mga bagay bagay. Lagi naman ako wala masabi. Kaya ayun, di halata sa mukha ko na surprised ako, pero sobrang surprised talaga ako. Di kasi ako sanay na ako yung binibigyan ng mga surprises. Mas sanay ako na ako yung nag bibigay ng surprises sa isang tao. Kaya laki talaga ng gulat ko sa bagay na ito. Actually, nakatingin sa amin yung mga tao sa loob ng goldilocks nung nangyayari yung bagay na ito. Di ko alam kung ang iniisip ba nila eh, bat ganun? Baliktad ata ang pangyayari. Kasi diba usually sa mga pelikula lalaki ang gumagawa ng bagay na ito.

O sige na, papakilala ko na ang nagbigay ng mga yan sa akin. Si ava marie lauren masuli. Hehehe. Kaya sobrang thankful ako sa kanya. Sobrang ligaya talaga ang binigay sa akin ng mga bagay na ginagawa niya para sa akin kaya maraming salamat talaga.



Alam ko lagi ako speechless sa mga bagay, pero salamat pa din. Nauunawaan mo ako sa kabila ng lahat. Salamat ng marami. 

1 comment: