Sunday, October 2, 2011

STARBUCKS



To inform you all, di ako mahilig pumunta sa mga sosyal na lugar. Lalo na kung yung lugar nay un ay pinupuntahan ng mga sosyal at mayayaman. Kaya naman noong August 27, 2011, i set foot again sa isang sosyal na lugar. Starbucks. Di ko alam, pero classified sa akin ang coffee shop na ito as sosyal. Kasi naman unang una ang mamahal lang ng kape at iba pa nilang inumin. Tapos yung mga donuts grabe sa presyo. Pero dinala ako dito uli ni Lauren.

Sabi niya sa akin, di naman daw sosyal yun, normal na tao lang din daw na punta doon. Eh kaso sa akin aksi parang hindi naman. Dapat daw sanayin ko lang ang sarili ko. Kaso ang nangyayari sa akin habang andun kami sa loob ng shop nay un di ako naging comportable. Hahaha. Di ko alam kung bakit, pero ang pakiramdam ko i don’t belong. Wala lang. Iba lang talaga siguro ang takbo ng isip ko.







Ayan po ang inorder naming. Ang sabi ko sa kanya wag na umorder ng madami ang mahal kasi. Actually umuulan nung pumunta kami diyan. Kaya ask niya ako kung gs2 q ba daw yung mainit, sabi ko yung malamig na lang. Kaya ayun, nakalimutan ko na kung anong flavour nung inorder niya sa akin. Pero masarap naman siya. Worth the price naman ang lasa. At maganda naman ang ambiance ng shop nila. Kaya ayos na din. Pero di ko lang alam kong babalik pa kami diyan.


Nga pala, pansinin niyo ang drawing sa salamin sa likod ng table. Hahaha. Natawa lang ako nung nakita ko sa pic. Siguro may isang bata na walang magawang matino at nag drawing ng tao ata yan na puro pangil ang ngipin hahaha. O siya, till here muna. Pero all in all, na enjoy ko saobra ang stay naming diyan. Dami din naming napagkwentuhan ni Lauren. 




Siya si Ava Marie Lauren Masuli . Nice smile. We had a round table for our coffee. And talked a lot about anything that comes in our mind. We even actually watch a pageant after having a coffee. And got home. 

Cakes



Naranasan niyo na bang makatanggap ng cake mula sa isang tao bukod sa pamilya mo? Siyempre, normal na naman siguro na bigyan tayo ng cake ng mga magulang natin o di kaya ng mga tito or tita natin. Ilang taon kayo nung naranasan niyo ang bagay nayun? Kasi kung ako ang tatanungin niyo, ang unang cake na natanggap ko sa birthday ko ay nangyari noong 20th birthday ko. Hehehe. Natuwa lang ako. Alam niyo kasi di kami sinanay ng mga magulang naming na dapat lagi may cake kapag birthday naming. Kaunting salo-salo lang ay sapat na sa amin palagi. Nakasanayan na kaya hindi na naming hinahanap yung mga ganung bagay kapag kaarawan naming kahit noong mga bata pa kami magkakapatid.

Ngayong birthday ko iba’t-ibang cake ang natanggap ko. Ito ang mga larawan kasama ang mga paliwanag.

 


Ito ang pinakaunang cake na natanggap ko. Hehehe. With cookies on top yan. Nagulat ako kasi naka post yang pic nay na wall ko sa FB. Di kasi ako nag expect talaga na may magbibigay sa akin ng cake. Kaya ayun, grabe ang tuwa ko. At sa sobrang tuwa ko, pinagmalaki ko pa yan sa mga kaklase ko, di ko alam kung nainggit sila o anu. Basta saya ko sobra nung nakita ko ito.





Pag binuksan ito siya. Astig diba? Mukhang masarap, kaso di ko natikman yan. Kasi nga ma expire na siya kung antayin pa ako nung cake na yan. Kaya ayun, hanggang tingin na lang ako. Hehehe. Ang daming cupcakes niyan oh, ewan ko lang kung di ka pa mabusog kakakain niyan hehehe. Kaya sobrang sobra talaga ang pasasalmat ko sa taong nagbigay sa akin niyan. Highly appeciated talaga. Salamat. Hindi ko na ito nakita sa personal pero at least naibigay siya sakin through facebook. Yung cookies pala na kasama niya on top kanina, nakita ko pa yun in person. Kaso di ko na nakain kasi pa-expire na din siya. Pero ayos lang. Basta ang saya ko talaga sa bagay na ito.






Oh ha. Ito ang pinakanakakabigla na cake sa buhay ko. Grabe, sobrang surprise talaga yan. Pumasok kami sa Goldilocks sa SM Dasma. Tapos, pinaupo niya ako doon sa pinakadulo na upuan. Sa totoo lang wala talaga pumasok sa isip na ganyang bagay. Nagulat na lang ako nung may dala yung isang crew na cake at may sindi pa yung kandila. Nangyari ito august 27, 2011 na. Sabi niya sa akin, post birthday celebration ko daw. Grabe, di ko akalain na continued pa pala ang mga surprises. Chocolate Mousse pala ang cake na yan. Ayun, syempre speechless na naman ako. Anu pa ba aasahan sa akin pagdating sa mga reaction sa mga bagay bagay. Lagi naman ako wala masabi. Kaya ayun, di halata sa mukha ko na surprised ako, pero sobrang surprised talaga ako. Di kasi ako sanay na ako yung binibigyan ng mga surprises. Mas sanay ako na ako yung nag bibigay ng surprises sa isang tao. Kaya laki talaga ng gulat ko sa bagay na ito. Actually, nakatingin sa amin yung mga tao sa loob ng goldilocks nung nangyayari yung bagay na ito. Di ko alam kung ang iniisip ba nila eh, bat ganun? Baliktad ata ang pangyayari. Kasi diba usually sa mga pelikula lalaki ang gumagawa ng bagay na ito.

O sige na, papakilala ko na ang nagbigay ng mga yan sa akin. Si ava marie lauren masuli. Hehehe. Kaya sobrang thankful ako sa kanya. Sobrang ligaya talaga ang binigay sa akin ng mga bagay na ginagawa niya para sa akin kaya maraming salamat talaga.



Alam ko lagi ako speechless sa mga bagay, pero salamat pa din. Nauunawaan mo ako sa kabila ng lahat. Salamat ng marami. 

Saturday, September 17, 2011

I'm Back



Waaah, ito na naman ako ulit. Hahaha. after 1 month nakalipas makakapag post na naman ako uli dito sa blog ko. 

San ko ba dapat simulan ang blog ko. O cge. Sa departure ko sa Pilipinas na lang. 

Ewan ko ba, pero nagkataon na sa pagkakataon na ito. Sabay ang departure date namin ng tatay ko. buti na lang siya ay 0400H at ako naman ay 1100H pa. At siya ang byahe by land lang. Kasi sa Subic ang joining niya ng vessel. Ako naman by plane so ppnta pa akong airport. Bale, ang ginawa namin ay hinatid muna namin ni Mama at Lauren si Papa sa office niya sa Ortigas, since dun sila susunduin ng Van na sasakyan nila papunta dun sa ship nila sa Subic. 

BAgo ang paalamanan, nagkaroon kami ng ilang mga pictorials. Eto ang ilan sa mga yan:

Father and Son. Hehehe. May similarities ba? Hehehe. 

Si Mama at Papa. Ayaw naman ngumiti ng nanay ko diba? Hehehe. Masaya lang yan na malungkot kasi first time sa kanya na sabay pa kami ni Papa na aalis. Na magiging normal na din naman sa kanya kapag tumagal na.

Family picture sana. Kaso wala yung dalawang kapatid ko. May pasok pareho. Kaya kaming tatlo na lang muna. O diba? Ang saya lang namin. Parang may out of town gala lang kami.


Lauren and Me. Hehehe. Sa buong stay ko at pag gagala namin. Sa araw na yan lang nagkataon na maging pareho ang kulay ng suot namin na damit . Hahaha. White. Katuwa lang. weekly kami nagkikita pero di pa nagkataon na pereho ang suot namin na damit. Hehehe. And I'm Happy na hinatid niya ako. Kaya salamat sa kanya.



Ngayon, yan ang mga pictorials namin dun. Hehehe. Ayos naman ang pag alis ko eh. Naging masaya naman all in all. wala naman naging problem. Wala naman sakuna na nangyari kaya ayos lahat. Sa Ortigas pala lahat yan nangyari. Kasi diyan namin hinatid ung tatay ko para sunduin sila ng Van. 

After diyan, ako naman ang hinatid ni mama at ni LAuren sa airport. Kaso ang aga pa masyado para sa flight ko. KAya ang tagal namin sobra nag antay dun sa airport. Pero ayos lang naman at least may bonding time pa kami habang nag aantay kami ng pagpasok ko sa loob ng airport. 

Dumating kami sa airport, mga mag 5am pa lang ata yun, eh papasok ako mga 8 pa ng umaga. Dapat 9 kaso ang daming tao kaya kailangan mas maaga para maiwasan ang pagka late mahirap na ma late mahal ang ticket. 

So ayun, nag almusal kami dun sa airport. Grabe ang mahal ng mga pagkain. Pero ayos naman, nabusog naman kasi ako. Tapos. dun kami tumambay sa waiting area sa labas ng airport. MAhangin kasi. tapos ayun. Kwentuhan, si mama naman txt ng txt kay papa. maya maya , niyaya ako ni lauren na mag pictorial daw kami. hahaha. natuwa naman ako. pero grabe. antok talaga ako nun. pero ayaw ko matulog din sana kasi last moment na nga naman namin yun for this year. KAso grabe makahila yung mata ko para makatulog na ako ng tuluyan. pero ayos naman ang lahat. So ayun, natuwa ako sa nga efforts ni Lauren para gawina kong awake. Lam ko divert nya lang ang sadness nya. Per ayos yun. ayaw ko kasi sya nakikita umiiyak. Rule ko yan sa kanya. Natatawa na lang ako nung puro pose na ang pinag gagawa namin dun sa rampa ng airport. Hahaha. 

Pero salamat talaga kay Lauren, Kasi ayos naman ang pag alis ko. salamat sa paghatid niya sa akin. Nakita ko nga lang siya umiyak nung nagpaalam na ako para pumasok sa loob ng airport, kaya ayun, ako naman talikod na sa kanila. Ayoko ko kasi makita yun. Di naman ako naasar, pero ayaw ko lang makita kaya umalis na ako agad. Kaya ingat ka palagi diyan LAuren. 

Salamat din kay mama, alam ko mabigat ang loob niya sa pag alis ko. Lalo na sabay pa kami ng tatay ko. Kaya mo yan ma. Masasanay din sya. syempre. eldest son niya ako kaya normal lang na makaramdam siya ng ganun. Pero magiging ok din ang lahat. Kaya ingat ka diyan palagi MA. 

LAgpas 8 na nung makapasok ako sa loob ang haba ng pila. Ang dami kasing tao na paalis din pala. So ayun, kinuha ko na ang boarding pass ko. then punta sa immigration, di na ako na hold this time ang saya lang. tapos, diretso na ako sa waiting area ng gate ko. GATE 5 ang nakalaan para sa akin. So dun na ako nagpahinga. 

Eto pala yung Waiting area nunbg GATE 5:

Dahil sa napakaaga kong nakapasok. Ayan, halos wala pang tao. Kaya ako natulog na lang muna ako habang nag aantay. almost 2 hours pa kasi ang aantayin ko. Saka di pa dumadating yung eroplano na sasakyan ko. Kaya wait wait na lang muna ako sa place na ito. NAkatulog ako. Saka na lowbat pa ako. Ayun di tuloy ako nakapag Roaming, Pero ayos lang naman. 1035H ako nakapasok sa loob ng plane nakaupo at nagpahinga agad. 

Monday, August 15, 2011

THANK YOU VERY MUCH


uhhh.. ang saya saya naman ng birthday ko ngayong taon. Sobrang kakaiba. First Time kasi na may nagregalo sa akin ng cake. EHehhe..

Dito sa barko, nilutuan ako ng cake ng steward namin. Tapos may isang espesyal na tao naman na bumili ng birthday cake para sa akin. uhh.. natuwa naman ako talaga.... nagulat ako kasi pagkakita ko sa wall ko may picture ng cakes.. kala ko naman na search lang sa NET. pero nung na-click ko  na yung image. Ahahha.. natuwa ako. kasi hindi pala searched lang. kaya ayun ang saya lang talaga. haaay.. ang saya saya talaga sobra ng bday ko ngayon. 

at wag kayo di yan ang simula ng lahat. Actually may 5 parts ang birthday gifts niya sa akin. At ang cake pictures na yan . ay pang lima. so ibig sabihin may 4 parts pa na nauna. yung first part ay isang slide show ng photos ko. natuwa ako kasi ang sweet nung song na pinili. saka ang mga messages. katuwa... lahat ng nag appear na mga line of messages dun ay para sa akin. kaya ang ngiti ko habang pinapanuod yun. abot tenga ko talaga. grabe kasi pagpupuri. saka apppreciation sa lahat ng bagay. kaya ayun. sobrang natuwa talaga. 

yung second part naman ay slide show sya na ang background nung umpisa ay song, tapos nung bandang dulo na. may voice message..ammm.... di ko ma-explain pero sobrang natuwa naman ako sa mga bagay na ginawa... kasi narinig ko yung voice nya. tapos ahh basta ... di ko alam panu ko sasabhin . basta nag saya saya ko talaga.. 

at di pa tapos ang surprises... may continue pa.. yung third nmn ay ang blog post nya.. ... lalo ako natuwa... though asaran na naman d2 sa barko kasi nakita ng mag classmate ko. pero ayos lang.. proud naman ako. ang saya ko naman kasi.. ang saya talaga... yung message ay sbrng makahulugan... 

yung 4 part ay isang gmail message naman para sa akin... oh dba.. natuwa ako. kasi nakakataba ng puso lahat ng mag message na yun.. at lahat ay specially dedicated para sa akin. hindi sya yung copy paste lang. or anu.. ginawa talaga ayun sa nararamdaman at kagustuhan,..

Kaya  maraming salamat sayo AVA MARIE LAUREN MASULI....
kung sinabi mo na i changed a lot in ur lyf.. ang sasabhin ko naman.... ayoko ko sana baguhin eh. kaso gs2 ng kapalaran mabago ang masasamang bagay na meron sa buhay mo through me..ghehhe. joke ang yabang ko.. hehe. 

pero salamat talaga sayo ng marami.. naging kakaiba talaga ang kaarawan ko ngayong taon na ito. Hindi katulad sa mga nagdaang taon. Tipikal na kasi yung babatiin ka sa FB, sa FS pa dati, saka sa TEXT. Yung ginawa mo ay hindi pa talaga nagwa ng ibang tao sa akin at isa pa. ginawa mo ang lahat kahit na sobrang limited ng access to do it. Kaya salamat, hindi sa apprecciated ko lang ang effort mo. pero dama kong may emosyon ang bawat bagay na ginawa mo ngayong kaarawan ko. Hindi ko man kayang tumbasan ang bawat salitang isinulat mo sa mga presentations at mails mo, pero gusto ko malaman mo na sobrang pasasalamat ang aking ipinaparating sayo. Hindi ko maipaliwanag ang kasiyahan ko ngayong kaarawan ko. Salamat talaga ng marami. 

Ayan puro salamat na naman ang nasabi ko. Pasensya na, di kasi talaga ako ganun kasanay mag express ng mga nararamdaman ko. Di naman sa ayaw ko, kundi di ako marunong saka di ako sanay sa ganun. di ko alam kong bakit. 

Naks naman. walang panama ang surprises ko sayo nung bday mo. pero natutuwa ako at natuwa ka sa mag simpleng effort na ginawa ko nung bday mo. salamat talaga ng marami. salamt dun samga gifts mo sakin. the countdown was worth the wait talaga. 



Ayan, isang malaking fave kong emoticon. Hehehe.. salamat talaga sayo 14. You were really a GOD's GIFT to me. you were everything na. IKAW NA ... hehehe.. alam ko sasabihin mo na naman iakw naman talaga eh. Hehehe.. pero this time, sobrang na-surprise mo ako sa mga gifts mo. Natuwa talaga ako. Salamat talaga ng marami. Sana lagi kang masaya sa lahat ng mga bagay na ginagawa mo. MAsaya ako lalo na kapag nalalaman kong masaya ka din sa buhay mo. 

Sana lagi kang andiyan. at lagi kang naka smile tulad ng lagi kong sinasabi sayo. 

Ingat ka palagi. .. 




Friday, August 12, 2011

Anti-Pirate Attack

Sa panahon ngayon grabe na ang mga balitang pag atake ng mga pirata. Kaya naman on a state of panic na ang mga awtoridad hinggil dito. Ahaha.. ang lalim ng tagalog ko dun ah.. newscaster? hehehe kaso hindi naman pwede na hindi dadaan ang mga barko sa dagat na yun. Kaya dapat may preventive measures  na lang. kasi no choice. alangan umikot pa ang barko ng malayo. sayang sa krudo saka time. lalong magmamahal lang ang presyo ng bilihin. Saka kahit saan naman dumaan ang barko, bubuntot lang ang mga pirata talaga. 


Kaya naman ilan ito sa mga ginagawa namin na bagay para maiwasan ang atake ng pirata at makasakay sila sa barko.




Naalala ko lagi ang sinasabi sakin ng navigators na nakasama ko. "Nver trust a calm sea" o dba? naaalala ko. Hahaha.... yan ang fave ng mga pirates. calm seas. Kasi mas magiging madali para sa kanila mang atake kapag ganyan ka kalmado ang dagat. Kaya more actions to avoid dapat.



Meet Mr. Olsen. Hahaha. siya yung dummy na nagbabantay sa back part ng ship. in seafarers term poop deck. Aft part of the ship. 



Meet Mr. Olsen. Siya naman ang dummy na nagbabatay sa port side ng barko. Left side yung port side. Hehehe..


Meet Mr. Olsen. siya yung nagbabantay sa starboard side ng ship. Right side naman yung starboard side. O dba? may guwarduya personel kami.


Pero cgro nagtataka kayo kung bakit lahat sila ang tawag ay Mr. Olsen. Kasi yan ang tawaag sa mga dummy sa barko. Hehehe. di ko din alam ang history pero yan ang sabi sakin ng mga matatandang seaman na nakasama ko. Kahit anong lahi Mr. Olsen ang tawag sa kanya. at full gear yan palagi. Mukha na ngang pirata din eh. Baka isipin ng ibang pirata. Mothership nila kami.Hhehe



Yan ang water gun namin dito. para yan kung sakaling makalapit na yung pirate sa amin.. pang bugawa . saka para mabasa yung engine ng skiffs nila. ayun para hindi sila magtagumpay ... hehehe

Ayan pa. isa pang version ng water gun.. hehehe.. fire nozzle yan.. dapat kapag may sunog yan gagamitin... pero ginamit din namikn ito sa pirate area.. panlaban din sa kanila...


Manila Rope ang tawag diyan. 200 meters long yan. Nakatali sa likod ng barko para sa ganun kapag may dumaan na pirate ship sa likod sasabit yung maliit nilang propellr at masira .. hahaha .. ang sama lang namin noh. pero kailangan para di sila magtagumpay sa mga balak nila. kaya ayun.. heheh.. iilan lang yan..


tapos kami naman bawal lumabas sa accomodation.. as in sa loob lang lahat.. dapat sarado lahat ng bintana para iwas sa ligaw na bala.. saka para di kami makita kung sakali... pero prepared naman kami kung sakali.. 


lahat kami ay magtatago sa engine control room.. yun kasi yung pinaka secured na place sa barko...hehehe.... 


at ayun, ganun lang ang gagawin namin.... sa ngayon two days lang daw kami dadaan ng pirate area. buti na lang... hehhe... ang saya.. pero cgrdo magbabagal naman kami paglagpas dun. hehehe


 o panu.. masayang hindi ang experience na ito.. pero ayos lang naman all in all...