Friday, August 12, 2011

Anti-Pirate Attack

Sa panahon ngayon grabe na ang mga balitang pag atake ng mga pirata. Kaya naman on a state of panic na ang mga awtoridad hinggil dito. Ahaha.. ang lalim ng tagalog ko dun ah.. newscaster? hehehe kaso hindi naman pwede na hindi dadaan ang mga barko sa dagat na yun. Kaya dapat may preventive measures  na lang. kasi no choice. alangan umikot pa ang barko ng malayo. sayang sa krudo saka time. lalong magmamahal lang ang presyo ng bilihin. Saka kahit saan naman dumaan ang barko, bubuntot lang ang mga pirata talaga. 


Kaya naman ilan ito sa mga ginagawa namin na bagay para maiwasan ang atake ng pirata at makasakay sila sa barko.




Naalala ko lagi ang sinasabi sakin ng navigators na nakasama ko. "Nver trust a calm sea" o dba? naaalala ko. Hahaha.... yan ang fave ng mga pirates. calm seas. Kasi mas magiging madali para sa kanila mang atake kapag ganyan ka kalmado ang dagat. Kaya more actions to avoid dapat.



Meet Mr. Olsen. Hahaha. siya yung dummy na nagbabantay sa back part ng ship. in seafarers term poop deck. Aft part of the ship. 



Meet Mr. Olsen. Siya naman ang dummy na nagbabatay sa port side ng barko. Left side yung port side. Hehehe..


Meet Mr. Olsen. siya yung nagbabantay sa starboard side ng ship. Right side naman yung starboard side. O dba? may guwarduya personel kami.


Pero cgro nagtataka kayo kung bakit lahat sila ang tawag ay Mr. Olsen. Kasi yan ang tawaag sa mga dummy sa barko. Hehehe. di ko din alam ang history pero yan ang sabi sakin ng mga matatandang seaman na nakasama ko. Kahit anong lahi Mr. Olsen ang tawag sa kanya. at full gear yan palagi. Mukha na ngang pirata din eh. Baka isipin ng ibang pirata. Mothership nila kami.Hhehe



Yan ang water gun namin dito. para yan kung sakaling makalapit na yung pirate sa amin.. pang bugawa . saka para mabasa yung engine ng skiffs nila. ayun para hindi sila magtagumpay ... hehehe

Ayan pa. isa pang version ng water gun.. hehehe.. fire nozzle yan.. dapat kapag may sunog yan gagamitin... pero ginamit din namikn ito sa pirate area.. panlaban din sa kanila...


Manila Rope ang tawag diyan. 200 meters long yan. Nakatali sa likod ng barko para sa ganun kapag may dumaan na pirate ship sa likod sasabit yung maliit nilang propellr at masira .. hahaha .. ang sama lang namin noh. pero kailangan para di sila magtagumpay sa mga balak nila. kaya ayun.. heheh.. iilan lang yan..


tapos kami naman bawal lumabas sa accomodation.. as in sa loob lang lahat.. dapat sarado lahat ng bintana para iwas sa ligaw na bala.. saka para di kami makita kung sakali... pero prepared naman kami kung sakali.. 


lahat kami ay magtatago sa engine control room.. yun kasi yung pinaka secured na place sa barko...hehehe.... 


at ayun, ganun lang ang gagawin namin.... sa ngayon two days lang daw kami dadaan ng pirate area. buti na lang... hehhe... ang saya.. pero cgrdo magbabagal naman kami paglagpas dun. hehehe


 o panu.. masayang hindi ang experience na ito.. pero ayos lang naman all in all... 

No comments:

Post a Comment