Monday, August 15, 2011

THANK YOU VERY MUCH


uhhh.. ang saya saya naman ng birthday ko ngayong taon. Sobrang kakaiba. First Time kasi na may nagregalo sa akin ng cake. EHehhe..

Dito sa barko, nilutuan ako ng cake ng steward namin. Tapos may isang espesyal na tao naman na bumili ng birthday cake para sa akin. uhh.. natuwa naman ako talaga.... nagulat ako kasi pagkakita ko sa wall ko may picture ng cakes.. kala ko naman na search lang sa NET. pero nung na-click ko  na yung image. Ahahha.. natuwa ako. kasi hindi pala searched lang. kaya ayun ang saya lang talaga. haaay.. ang saya saya talaga sobra ng bday ko ngayon. 

at wag kayo di yan ang simula ng lahat. Actually may 5 parts ang birthday gifts niya sa akin. At ang cake pictures na yan . ay pang lima. so ibig sabihin may 4 parts pa na nauna. yung first part ay isang slide show ng photos ko. natuwa ako kasi ang sweet nung song na pinili. saka ang mga messages. katuwa... lahat ng nag appear na mga line of messages dun ay para sa akin. kaya ang ngiti ko habang pinapanuod yun. abot tenga ko talaga. grabe kasi pagpupuri. saka apppreciation sa lahat ng bagay. kaya ayun. sobrang natuwa talaga. 

yung second part naman ay slide show sya na ang background nung umpisa ay song, tapos nung bandang dulo na. may voice message..ammm.... di ko ma-explain pero sobrang natuwa naman ako sa mga bagay na ginawa... kasi narinig ko yung voice nya. tapos ahh basta ... di ko alam panu ko sasabhin . basta nag saya saya ko talaga.. 

at di pa tapos ang surprises... may continue pa.. yung third nmn ay ang blog post nya.. ... lalo ako natuwa... though asaran na naman d2 sa barko kasi nakita ng mag classmate ko. pero ayos lang.. proud naman ako. ang saya ko naman kasi.. ang saya talaga... yung message ay sbrng makahulugan... 

yung 4 part ay isang gmail message naman para sa akin... oh dba.. natuwa ako. kasi nakakataba ng puso lahat ng mag message na yun.. at lahat ay specially dedicated para sa akin. hindi sya yung copy paste lang. or anu.. ginawa talaga ayun sa nararamdaman at kagustuhan,..

Kaya  maraming salamat sayo AVA MARIE LAUREN MASULI....
kung sinabi mo na i changed a lot in ur lyf.. ang sasabhin ko naman.... ayoko ko sana baguhin eh. kaso gs2 ng kapalaran mabago ang masasamang bagay na meron sa buhay mo through me..ghehhe. joke ang yabang ko.. hehe. 

pero salamat talaga sayo ng marami.. naging kakaiba talaga ang kaarawan ko ngayong taon na ito. Hindi katulad sa mga nagdaang taon. Tipikal na kasi yung babatiin ka sa FB, sa FS pa dati, saka sa TEXT. Yung ginawa mo ay hindi pa talaga nagwa ng ibang tao sa akin at isa pa. ginawa mo ang lahat kahit na sobrang limited ng access to do it. Kaya salamat, hindi sa apprecciated ko lang ang effort mo. pero dama kong may emosyon ang bawat bagay na ginawa mo ngayong kaarawan ko. Hindi ko man kayang tumbasan ang bawat salitang isinulat mo sa mga presentations at mails mo, pero gusto ko malaman mo na sobrang pasasalamat ang aking ipinaparating sayo. Hindi ko maipaliwanag ang kasiyahan ko ngayong kaarawan ko. Salamat talaga ng marami. 

Ayan puro salamat na naman ang nasabi ko. Pasensya na, di kasi talaga ako ganun kasanay mag express ng mga nararamdaman ko. Di naman sa ayaw ko, kundi di ako marunong saka di ako sanay sa ganun. di ko alam kong bakit. 

Naks naman. walang panama ang surprises ko sayo nung bday mo. pero natutuwa ako at natuwa ka sa mag simpleng effort na ginawa ko nung bday mo. salamat talaga ng marami. salamt dun samga gifts mo sakin. the countdown was worth the wait talaga. 



Ayan, isang malaking fave kong emoticon. Hehehe.. salamat talaga sayo 14. You were really a GOD's GIFT to me. you were everything na. IKAW NA ... hehehe.. alam ko sasabihin mo na naman iakw naman talaga eh. Hehehe.. pero this time, sobrang na-surprise mo ako sa mga gifts mo. Natuwa talaga ako. Salamat talaga ng marami. Sana lagi kang masaya sa lahat ng mga bagay na ginagawa mo. MAsaya ako lalo na kapag nalalaman kong masaya ka din sa buhay mo. 

Sana lagi kang andiyan. at lagi kang naka smile tulad ng lagi kong sinasabi sayo. 

Ingat ka palagi. .. 




Friday, August 12, 2011

Anti-Pirate Attack

Sa panahon ngayon grabe na ang mga balitang pag atake ng mga pirata. Kaya naman on a state of panic na ang mga awtoridad hinggil dito. Ahaha.. ang lalim ng tagalog ko dun ah.. newscaster? hehehe kaso hindi naman pwede na hindi dadaan ang mga barko sa dagat na yun. Kaya dapat may preventive measures  na lang. kasi no choice. alangan umikot pa ang barko ng malayo. sayang sa krudo saka time. lalong magmamahal lang ang presyo ng bilihin. Saka kahit saan naman dumaan ang barko, bubuntot lang ang mga pirata talaga. 


Kaya naman ilan ito sa mga ginagawa namin na bagay para maiwasan ang atake ng pirata at makasakay sila sa barko.




Naalala ko lagi ang sinasabi sakin ng navigators na nakasama ko. "Nver trust a calm sea" o dba? naaalala ko. Hahaha.... yan ang fave ng mga pirates. calm seas. Kasi mas magiging madali para sa kanila mang atake kapag ganyan ka kalmado ang dagat. Kaya more actions to avoid dapat.



Meet Mr. Olsen. Hahaha. siya yung dummy na nagbabantay sa back part ng ship. in seafarers term poop deck. Aft part of the ship. 



Meet Mr. Olsen. Siya naman ang dummy na nagbabatay sa port side ng barko. Left side yung port side. Hehehe..


Meet Mr. Olsen. siya yung nagbabantay sa starboard side ng ship. Right side naman yung starboard side. O dba? may guwarduya personel kami.


Pero cgro nagtataka kayo kung bakit lahat sila ang tawag ay Mr. Olsen. Kasi yan ang tawaag sa mga dummy sa barko. Hehehe. di ko din alam ang history pero yan ang sabi sakin ng mga matatandang seaman na nakasama ko. Kahit anong lahi Mr. Olsen ang tawag sa kanya. at full gear yan palagi. Mukha na ngang pirata din eh. Baka isipin ng ibang pirata. Mothership nila kami.Hhehe



Yan ang water gun namin dito. para yan kung sakaling makalapit na yung pirate sa amin.. pang bugawa . saka para mabasa yung engine ng skiffs nila. ayun para hindi sila magtagumpay ... hehehe

Ayan pa. isa pang version ng water gun.. hehehe.. fire nozzle yan.. dapat kapag may sunog yan gagamitin... pero ginamit din namikn ito sa pirate area.. panlaban din sa kanila...


Manila Rope ang tawag diyan. 200 meters long yan. Nakatali sa likod ng barko para sa ganun kapag may dumaan na pirate ship sa likod sasabit yung maliit nilang propellr at masira .. hahaha .. ang sama lang namin noh. pero kailangan para di sila magtagumpay sa mga balak nila. kaya ayun.. heheh.. iilan lang yan..


tapos kami naman bawal lumabas sa accomodation.. as in sa loob lang lahat.. dapat sarado lahat ng bintana para iwas sa ligaw na bala.. saka para di kami makita kung sakali... pero prepared naman kami kung sakali.. 


lahat kami ay magtatago sa engine control room.. yun kasi yung pinaka secured na place sa barko...hehehe.... 


at ayun, ganun lang ang gagawin namin.... sa ngayon two days lang daw kami dadaan ng pirate area. buti na lang... hehhe... ang saya.. pero cgrdo magbabagal naman kami paglagpas dun. hehehe


 o panu.. masayang hindi ang experience na ito.. pero ayos lang naman all in all... 

Pirate Area

Kung sila ang pirate na aakyat sa barko magtatago ka pa ba sa muster station? Tatawag ka pa ba sa military?

Hahaha, syempre naman. kahit ano mangyari pirate pa din yan. Yun nga lang baka in a real situation, mapaisip ka pa kung magawa mo ang mga measures na yun to fight pirates.













 may kikay pa, ayan , naka pink.. hehehe... kaya mapapaisip ka kung manlalaban ka kapag yan ang umatake sa barko...

Yun nga lang, hindi sila ang mga tunay na pirates. in a costume lang silang dalawa... eto ang mga umaakyat talaga sa barko
 o diba, talagang maersk pa yung background nila. kung saan yan ang company ko ngayon. Ahahaa...yan ang gamit nila. ang mga skiffs kung tawagin sa securewest mail. tapos sa loob ng skiff na yan may lubid, baril at kung ano pa para gamitin pang akyat sa barko..


Yan lang naman ang ilan sa mga sandata na meron sila. Iilan pa lang yan. KAya nakakatakot . Grabe, walang awa tong mga to, gagawin ang lahat magkapera lang talaga sila.


At sila ang kataas-taasang punong pirata. Over sa intro. pero sila nga yun... ahahaha...fierceful diba? mga lider yan. ewan ko nga kung ilan sa mga taga somali ang ganito na ang profession ngayon.. baka nag oofer na nga sa kanila ng education for piracy.. hahaha../ kasi naman blooming ang number nila. walang humpay at katapusan.


O ayan ang mga bagong recruit., hehehe.. general assembly, may electiona ta para sa new officers ng taon. Hahaha... kaya dumadami sila... hulaan nu kong anu laman ng mga cans sa paligid.... heheh.. makahula magaling....

Well bakit ko nga ba kinukwento sa inyo ang pirates? Kasi po nasa pirate area ako ngayon sa kasalukuyan. Ahaha. sana lang di kami atakihin.. pero i know naman na hindi, takot lang nila sa amin.  so ayan, initial introduction about pirates..

abangan ang susunod na part on how to avoid pirates....

Thursday, August 11, 2011

Past Life through incarnation


Di ko alam kong nababasa niyo pa. pero sinabi na lahat diyan. natawa lang talaga ako sa site na ito. Ahaha.. try niyo din . mukhang ayos na nakakatuwa. hehehe. di masyado degrading sakto lang ... enjoy 

Painting Time



Ayan ang aming paint room. Ang dumi noh! pero sagana naman sa stocks. Hehehe. saya lang. kaya kuha ka lang ng choice mo na paint. Syempre ANG available yung mga kulay na kailangan sa barko. Tulad ng Red, Gray, Yellow at Blue. yun nga lang madami choices kasi iba iba ang purpose ng bawat pintura. Depende kc qng saan mo gagamitin. basta lahat yan ang purpose is to avoid corrosion. Yun nga lang may long time effect ang mga paint na yan. allergy daw. kaya dapat full gear kapag gagamit ng paint. Meron din palang stock ng mga spray paints. Katuwa lang. yung mga ibang gamit for painting gaya ng timba, brush at kung ano pa. ay located sa ibang location. pero malapit lang din jan. Siguro napapaisip kau kung bakit ganito yung Blog ko ngayon. well, ito ang story nun.




Operation painting ako sa mga bagay na ito. Sa itsura ng mga yan kailangan na ngang palitan. And since hindi pa dumadating mga bagong stock niyan ay pipinturahan muna. Pero teka, alam niyo na ba kung ano yan? ang twag diyan ay Rat guards. Nilalagay yan sa mga mooring lines kapag nakatali ang barko sa port. Ang main purpose niyan ay para iwas daga sa barko. As the name implies nga. RAT GUARDS means a guard from rats. This is to prevent rat to go onboard the ship from the port. Astig noh? talino talaga ng nakaisip nito. Ahahaha.

Ang una kong ginawa ay kinuskos ko na lang muna ang mga lumang paint niyan. tinanggal ko para hindi sagabal sa pag pintura ko mamaya. At ayun nga nagtagumpay naman ako. Pero yan lang ginagawa ko, pinagpawisan na ako. AHAhaha. ang init naman kasi. EGYPT part pa kasi kami this time. 35C lang naman ang temp. HAhaha, kaya ayun... after kong magkuskos painting time na. 


Ayan po ang paint bucket ko. Maersk Blue ang tawag sa kulay na yan. Hahaa. natawa na lang ako kasi inagkin na ng company ko yung color na yan. Hahaha... Siyempre konti lang ang laman kasi konti lang naman ang pipinturahaan ko. nakita niyo naman kanina diba. mga 8 na ganun lang. 




At syempre bago magsimula ang pagpintura, kailangan ang PPE (Personal Protective Equipment) hahaha. syempre kailangan sumunod kasi part naman yan ng safety natin. Motto kasi ng barko ang "SAFETY FIRST" kaya ayun. todo sa safety. MEron yan Googles to protect my eyes from those paints that might spill on my eyes. Gloves to avoid direct contact with the paint and for cleanliness of my hands. Saka yung para sa takip ng ilong ko. Kasi direct smelling ng paint na yan can cause a long time effect on my body. Parang side effect kung tawagin. Dahil kung hindi magiging aliens daw kami in the mere future. Hahaha.

At ayun. isang buong umaga ko tinapos ang 4 na rat guards. magkaibang araw ko kasi ginawa. 2 sets yan. nagtagumpay naman ako. naging maayos naman ang lahat. Yun nga lang, ewan ko na lang sa katangahan ko talaga, natalsikan ang pisngi ko. Ako naman walang anu-ano ginawang facial cream ang thinner. ang resulta parang nagliyab lang naman ang mukha ko. Grabe, ang hapdi talaga. Pakiramdam ko kanina sinusunog mukha ko. Kaya ang ginawa ko hilamos ako ng malamig na tubig. Tapos hilamos ng facial scrub sabay moisturizer pagkatapos. Ang ending: mukha akong bagong ligo uli. Hahaha.. pero ok naman. di naman namantal o anu yung mukha ko. Ayos na ayos padin naman. Hahaha... 





Ayan po ang finished product ng aking painting. Ahahaha. ayos naman, nagmukhang bago. Kaso mainit talaga yung panahon eh. nakaka walang gana lang kumilos talaga. Pero natapos ko naman. Kaso di ko pa alam kong anu ang iba ko pang gagawin. Sa ngayon yan lang muna. next time ulit 

Wednesday, August 10, 2011

Pictorial






Hahaha. Yan ang epekto ng matagal na pag stay sa barko. Kita niyo kung ano-ano na ang nagagwa namin sa buhay namin dito. Buti na lang may mga taong todo suporta din sa mga kalokohan namin sa buhay. Tulad na lang nito. Naganap ang pictorial last sunday lang. Ang Photgrapher: Ms. Rosa Fatima Saavedra Niolar.

First Pic: 
well, ang headphones na yan ay pagmamay-ari ng kaklase ko. Katuwa, pumayag naman siya ipahiram sa akin para sa pictorial. Siyempre siya din may ganung shot. Pero siya talaga nakaisip ng props na yun. Pero ang galing ng pagkakakuha ng angle ng nag pic. The best talaga. Hulaan niyo kung anong music ang nasa isip ko habang kinukunan ako ng picture jan. Hahaha,Getting to know each other. hahaa. pina-practice ko kasi yung kantang yun. nakaupo pala ako sa pic na ito. at ayun shot na.

Second Pic:
Eto naman, nakatayo na ako. tapos na dapat yung part ko sa pictorial. kasi ang inyong lingkod ay sobrang naadik sa mga pictures. kaya ayun, humirit ako ng isa pa. Ayos naman. Katuwa talaga. Ang saya-saya ng araw na ito

Third Pic:
nakaupo din ako nito. ang sabi ng photographer mag isip daw ako ng masayang bagay. so ayun isip naman ako. HAhaha. katuwa kasi hinuhulaan nila kong ano yung nasa isip ko. TAMA ang hula nila pero di ko kino-confirm kasi issue na naman. Nasa isip ko kasi that time nung na-meet ko yung isang tao sa buhay ko. Eh nung tima na yun ang saya naman talaga. saka yung mga shared moments namin. Hehehe. KAya ang saya ko lang. Sana lang magpatuloy pa ang lahat ng kasiyahan. O ayan lumayo na sa topic. nakikita naman sa mukha ko ang sobrang kasiyahan diba? Hehehe. 

Sana nagustuhan ang mag pictures ko. Ang astig lang kaya.Saka cool noh. Di ko kasi akalain na matutupad pa yung dream ko na mag pose lang ng pose tapos may taga-kuha ng pic. KAsi ganito yun kong si ate di napagod sa mag shot ako naman di napagod sa pag pose , naubusan na nga kao nang pose eh. HAhaha. katuwa lang. kaya ang saya ko talaga nung araw na ito. parang natupad kasi isa sa mga dreams ko sa buhay.

Kaya kayo anu pa hinihintay, pictorial na din. Hahaha. malay niyo ma-discover tayo. MAgulat na lang kayo model na ako ng shampoo ng kabayo. Hahaha... Joke lang. 

Monday, August 8, 2011

Angry Birds


oh ha. sino ba naman sa panahon ngayon ang hindi nakakakilala sa mga angry birds. Grabe. na-adik naman ako ng husto dito. Kaso nga lang limited lang yung levels ng nilalaro ko. Kasi yung sa chrome lang yung nilalaro ko. Kaya hanggang stage 3 lang. Sayang nakakabitin nga eh. 


PEro all in all. MAsaya tong game na ito. Hindi lang kasi siya for fun talaga. Fun and thinking talaga. Kasi kailangan mong isipin ang tactics mo para may matira kang birds. Or i-try na one shot lang gawin mo para mapuksa ang mga baboy na nagnakaw sa eggs ng mga birds natin. 


Fave ko sa lahat ng mga birds ay yung Black. Yung sumasabog. Hahha. astig ng dating eh. Walang kawala. saka ang lawak ng range ng pagsabog niya. 


Try niyo din laruin. Sihurado matutuwa kayo. Enjoy

Ngayon ko lang nai-post. Pero the best talaga ang movie na ito. Napanuod ko to sa SM Dasma. Nilibre lang ako. at talagang na-enjoy ko yung film. 


Walang kupas talaga si Angelina Jolie. Lupet. Astig ng story lahat na. Siya na nga. wala paring panama sa kanya si Megan Fox. hahaha.


May nabasa akong magazine dati about sa comparison nilang dalawa ni Megan Fox. Sa film na ito daw pinakita ni Angelina na wala siyang katapat. Hahaha. seems like. Astig talaga. 


Sana napanuod niyo rin

Insomnia na ata


Ayan, ganyan ang nangyayari sa akin ngayon. Na-insomnia na naman na ako. 


Kaya ayoko na natutulog ako kapag hapon eh. Ang epekto gising ako buong magdamag. Kahit pa isang oras lang ako makatulong ng hapon basta nakatulog ako ang resulta nun panigurado ay isang buong gabing pagdilat. Badtrip naman talaga. Kaya ayun pagkakataon para gumawa ng assignments. Kaso ang masama nito wala akong lakas kinabukasan sa trabaho. 


Mellow na ang music ko. Yung tipong di ko pa mga alam ang lyrics. Kaso walang naitulong sa akin. Kayo ba naranasan niyo na rin yung ganito? Di ko pa alam kong insomnia talaga ito o kalokohan ko na naman sa buhay ko. Hahaha.


Anayways, magandang chance din naman. Since malapit na akong bumabang barko kailangan ko na madaliin ang mga assignments na tinulugan ko sa nakalipas na 6 na buwan. 


Pero sabi dun sa nabasa ko sa magazine. Malaki daw ang naitutulong ng pagligo ng warm water. Tapos walang lights sa kuwarto. Play mellow music pero dapat hindi mo alam ang lyrics. Kasi kapag alam mo ang Lyrics, ang turn out nun kakanta ka na lang din buong magdamag. Kaya lalo kang hindi makakatulog. Try niyo ang ilan sa mga yan. Saka massage niyo yung forehead niyo, pati yung sides ng ulo.Then, make some exercises sa paa. Rotate niyo. May connection ata yun sa pagtulog. Promise na-try ko na lahat yan. Minsan effective minsan hindi. Depende talaga.


Pero siyempre kong angproblema niyo ay mukhang malala na. Aba mag isip na kailangan mo nanag komonsulta sa doktor. Kaya ayun. Ingatan po natin ang kalusugan natin. Dapat maintained yung oras ng pagtulog natin. Wag sisirain ang biological clock ng katawan. Kasi isa yan sa dahilan ng pagkakaroon natin ng mga sakit na kung ano ano lang. 


Sana nakatulong sa inyo ang post ko na ito .

Sunday, August 7, 2011

Ice Cream



Isa lang yan sa mga ice cream days namin dito sa barko.
dito ko lang nasubukan na 3 times a week may ice cream. Iba pa kapag may holiday. Hahaha. Kaya ang saya. Ako nga pala nag design ng ice cream na yan. Scoop all you want. And eat all you can sa ice cream. Kaso di naman ako ganun kalakas sa pagkain ng ice cream. ewan ko ba. kung kelan libre saka naman nag aayaw yung panlasa ko. Samantalang sa bahay once in a blue moon lang mag ice cream. Sobrang halaga ng event pa kapag meron. 


As you can see ang flavor niyan ay stawberry and Chocolate. Tapos nilagyan ko ng two choco wafers sa likod at chocolate syrups. Pero marami choices. Pwede din lagyan ng vanilla wafer. Or if you want, either strawberry or caramel syrup. Tapos pwede din lagyan ng sprinkles. Yan ang ilan pa sa abubot ng ice cream dito. Katuwa. ANg mga flavors na natikman ko dito ay RUM and RAISIN, STRATECELLI (parang vanilla with choco bits), VANILLA (fave ko sa lahat), saka yung chestnut flavor ata yun. MAsasarap kasi di ganun katamis. Kaya ang sarap lagi ng dessert eh. Ayan ang epekto, pagtaba.


Malaki ang naitutulong ng ice cream sa tao ah. Nakakapag pasaya kaya sa tao ito. Depende kong paano mo kakainin. HAhaha. kung malungkot ka. Ewan ko na lang. KAso ako kasi di na lulungkot HAhaha. ewan ko ba...


Hahaha. Constant days na may ice cream kami ay every wednesday, saturday and sunday. KApag may Holiday extra ice cream day na naman. Ang saya diba? kaw na talaga ang magsasawa sa ice cream kasi ang sarap talaga. 


Oo nga pala, hindi ako nang iinggit sa mga pinaglalagay ko ah, BLOG lang ito. Eto lang talaga yung trip ko i-post na blog ngayon. Ang saya kasi. 


Sa susunod kong mga post. Yung mga kakaibang food na natikman ko naman dito, saka ang mga typical food na kikain ko everyday. 



My Plant

Ayan na ang halaman ko ngayon. Before and after yan. mga 4 months na alaga yan. Hehehe. First time ko mag alaga ng halaman at di ko akalain na magiging ganyan ang kalalabasan. Katuwa talaga. di ko expect na aabot siya sa ganyan. Panu ba naman, halos mamamatay na yan nung binunot ko yan sa halamanan ng kaklse ko. Pero ang nangyari lumago lalo. nagsimula ako sa 6 na dahon sa kanya. At ngayon nasa 23 na ang dahon niya at patuloy pang dumadami. 


Angnakaklungkot lang, di ko pwede i-uwi ang halaman na ito. Kasi alangan naman magdala ako ng paso sa airport. Yes! alaga ko yan dito sa barko namin. Sagana naman kasi sa Carbon Dioxide yung kwarto ko kaya ganyan ang paglago niya hahaha. 
Bat nga ba umabot siya sa ganyang lago? Simple lang. Kantahan mo palagi, ilagay mo sa lugar kung saan lagi ka nag entertain ng bisita para yung hininga makuha niya, at ang pinakamakapangyarihan sa lahat UTOT. Hahaha.. Joke lang. Kaya nga sa tingin ko kung sa banyo nakalagay yan, mas malago pa yan.


Pero ayun, ipapaubaya ko siya sa Steward namin dito sa barko. Siya na muna ang mag aalaga sa kanya. Kaso nakaklungkot, pero kailangan. Mag aalaga na lang siguro ako ng panibagong halaman. di talaga ako mahilig sa halaman dito ko lang naisipan gawin yan sa barko. Medyo na-bore ako dati kakanet. Kaya ayun, one day naisipan ko mag alaga. In other words, naiinggit ako dun sa kaklse ko na may halaman sa kwarto niya. KAya ginaya ko siya. KAso mas malago yung halaman ko ngayon kaysa sa kanya.


Anyways, masaya pala ang magkaroon ng something na inaalagaan. Kasi very responsive. Lalo na ang halaman. Nakadepende talaga yung tubo niya sa way ng pag aalaga sa kanya. Ang saya. Kaya makikita niyo sa halaman ko na parang ang saya saya ko talaga. Hehehe. Pero di ko naman kinakausap yan. Hehehe. hindi pa. maybe some other time. 


O panu, try niyo din mag alaga ng halaman, matutuwa kayo for sure. Lalo kapag sinumulan niyo as young tapos palago ng lago habang tumatagal. Enjoy Everyone. :)

Saturday, August 6, 2011

Ang Saya


Ayan si  Lauren at Dreams. Sweet noh! hehehe. parehong importante sa buhay ko silang dalawa. Magtataka siguro kayo kung bakit? pero bakit nga ba? 


unahin natin si Lauren. 
Importante siya dahil? Hehehe. eto na naman ako. di ko maexpress ang gusto sabihin . ewan ko ba kung bakit ganito ako. Palagi na lang. at ever since pa. Pero ang alam ko, siya ang Number 1 sa lahat para sa akin. Sympre positively speaking. Hindi negative. Hehehe. Dumating siya sa journey ng life ko unexpectedly. Alam mo yung ang saya saya mo sa buhay mo tapos biglang may darating na LAuren. Hahaha.. iniisip siguro ng nagabbasa nito kamalasan ang nangyari. Hahaha. Mas naging MAsaya ang buhay ko. ewan ko ba. parang mas naging exciting na para sa akin ang maraming bagay. Ang maganda pa. talaga namang nauunawaan niya lahat sakin. At kapag may mali. try niyang ayusin ang lahat. San ka makakakita ng taong ganyan. KAya nga ang pakiramdam ko "im the Luckiest Guy in the world". Ewan ko ba . Pero di ko ma express . Basta sobrang saya ko talaga. 


Natutuwa ako sa mga bagay na ginagawa niya para sa akin. Kumbaga hindi matutumbasan ng ibang bagay na naibigay din sa akin. KAsi bawat may ginagawa siya para sakin natutuwa na ako. Alam mo yung tipong pagbukas ng FB mo, may makikita kang POKE you, tapos may message pa yan. Photo comment, wall post. at marami pa. kaya ang saya saya talaga. Sa e-mail naman may natatanggap ako na messages na mahaba=novel, pero worth reading. tapos di lang yan. may matatanggap din ako na message sa crew mail ko. kaya kahit wala akong net ang saya, kasi may natatanggap din akong messages. Anu pa ang hahanapin mo diba? Kaya ang saya saya ko talaga. Kaya ang masasabi ko ay maraming salamat talaga ng sobra. A lot of things happened when i met her.


Si dreams naman. Siya ang Valentine symbol namin ni LAuren. Binigay ko siya ng Valentines day sa kanya. At di ko akalain na magugustuhan niya yung binigay ko sa kanya na yun. Ang saya talaga. Alam na naman niya kung bakit si Dreams ang napili ko out of all the stuffs in there to be adopted. Hehehe. di ko na share sa inyo. Kung may nagababasa man nito. BAsta si dreams ang nagbabantay sa kanya habang wala ako. mAdalas kasi ako wala kaya si dreams muna. Kawaw anga yun eh. KAsi kapag may galit sakin si LAuren si dreams ang napag iinitan. Huhuhu. Pero ok lang din at least hindi ako. hehehe. Joke lang. PEro alam ko naman na kaya ni dreams ang lahat. Hehehe. makikita sa itsura ni Dreams na sobrang alaga siya,. KAya masaya din siya.


Ayan, napadami ako nang sinasabi, Hehehe. Enjoy that one

Biktima ng HACKERS

Ayan ang saya saya talaga. Ako na ang na-hack. hahaha. Nakakabaliw naman. di ko akalain na mabibiktima din ako ng bagay na ito. Pero maraming salamat sa informant ko about sa bagay na ito. Kung hindi dahil sa kanya di ko matutuklasan ang bagay na ito. Buti na lang may savior ako. Siya si Ava Marie Lauren Masuli. Hehehe. Kaya thank you talaga ng marami.. 


To make it all short. may sariling account siya na iba ang name sa akin. Pero ang informations niya at lahat lahat about sa kanya ay parehong pareho sa akin. Hahaha. pati work. Likes. mga movies. as in parang replica ng account ko. Katuwa talaga. Kung sino man siya tapos na maliligayang araw mo. I will hunt you down. Kala mo. Kung ano man ang reason mo kung bakit mo ginawa ito sana hindi masama. Saka please stop it. Pwede ka naman makipagkaibigan na lang. Diba. Saka mukhang kilala kita. Kasi you know a lot of me. Kaya ayun. Ayusin mo. Hahaha. Parang ang sama ko naman dito. Baka sabihin ng makabasa ng blog ko "buti nga na-hack ka sama ng ugali" hahaha. Hindi naman sa masama ako. Pero parang ganun na nga. nagiging masama ako kapag may nagpakita ng masama sa akin. Nakakaasar. Pero buti na lang mukhang mabait pa sakin tong hacker na ito. Wala naman siyang sinira sa pagkatao ko. Although masama yung ginawa niya thankful na din ako dahil hindi niya binaboy ang pagkatao ko sa FB. Hahaha.. ang bait bigla eh noh. Hahaha..


Pero di talaga matatawaran ang pasasalamat ko sa taong nagsagip sakin about this. Kaso natatakot ako dun sa mga possibilities na sinabi niya sa akin. Kasi for sure kung mangyari man yun hay di ko na alam. Para na akong nawalang ng dangal hahaha. Kaya salamat talaga sa kanya ng marami. 


Kaya kayo diyan. Ingatan niyong maigi yang account niyo. Set niyo na ang "secure browsing" setting sa FB niyo. Sana enough na yun. Saka make sure na signed out talaga kayo kung gumagamit kayo sa mga shared PCs. Mahirap na baka kung ano pa ang pang - aabuso na pwede mangyari. 


o panu till here muna. matutulog pa ako. salamat sa inyong lahat. 

Tuesday, August 2, 2011

IKAW nga

 IKAW ang tangi kong dasal
IKAW ang siyang nagpapasaya sa akin sa bawat sandali
IKAW ang nagbibigay ng mga ngiti sa aking mga labi
IKAW ang siyang tumanggap sa napakarami kong pagkukulang
IKAW ang taong di ko inakalang darating pa sa buhay ko
IKAW ang taong hindi nagsawa sa kakulitan ko
IKAW ang taong nakilala kong tumawa ng totoo sa mga corny kong jokes
IKAW lang ang taong kinantahan ko
IKAW lang ang taong umintindi sa pagiging malilimutin ko
IKAW ang taong nakilala ko na kung tumawa sa jokes ko ay parang nauubusan na ng hangin
IKAW ang taong mahilig sa violet
IKAW ang nagpapasaya sa araw ko tuwing may matatanggap akong mensahe mula sayo
IKAW ang laging may pagbati akong natatanggap sa CHIKKA, FB at MAIL.
IKAW pa lang ang taong nagpadala sa akin ng MUSIC VIDEO
IKAW ang taong mahilig sa M&M’s na blue lang
IKAW ang taong ayaw sa MANI
IKAW ang pinakamagandang regalo na natanggap ko mula kay Lord
IKAW ang siyang nagpapaliwanag sa akin sa mga maling bagay na pinaniniwalaan ko.

Kaya IKAW NA , IKAW NA, THE BEST KA KASI.

Hehehe.. Salamat dahil sa may IKAW.

Kaya sana ang IKAW na nakilala ko noong nakaraang taon ay manatiling ang IKAW habang buhay. Salamat. Sana ang IKAW ay hind imaging SINO. ;)

COUNTLESS THANK YOU 14 !!!

Di ko Bday pero salamat

Hanggang ngayon di ko parin akalain na aabot sa ganito ang mga pangyayari. Totoo nga pala talaga yung sinasabi nila na “Always expect the unexpected” , at yun nga. It always happens. Hahaha.

Last August 1 birthday ng isang mahalagang tao. Nakakatuwa kasi yung gift ko sa kanya na-send ko na mga 1 week before her birthday. Kasi naniguro ako namaibigay ko yun. Baka kasi mawalan kami ng internet connection kaya ayun. Sinabihan ko nalang siya na wag na i-open muna. Simple lang yung binigay ko sa kanya pero mukhang nagustuhan naman niya. Kaya fulfilled na din ako.

Akala niya tapos na siguro ang lahat ng surprises ko. Di niya alam bago magwakas ang araw niya may isa pang surprise na mangyayari. Hulaan niyo kung ano yun? Ano pa eh di tumawag ako. Pero syempre di ako nagpakilala muna. Eto yung converse:
Me: Hello Good evening ! welcometo iridium satellite call! This is a greeting!
Her: hello? Hello? Who’s this? (mukhang nalilito)
(di ako sure sa lines,pero malapit jan yung mga sinasabi namin)
Tapos ayun, nagpakilala na ako. Hahaha.katuwa. 5 months palang din a niya ako nabosesan. Hahaha. Nag English namankasi ako. Nag isip pa nga ako nun kung gagamit ba ako ng ascent. Bristish? Indian? American? Danish? African? Latino?pero siyempre yung pinili ko yung typical Filipino ascent baka di niya maintindihan pinag sasabiko eh.

At ayun nagusap kami. Siyempre samin na yung mga napag usapan. I sang a song for her. At ang question niya about the song is: “Bat eto ang napilimong song?” sagot ko naman: “as the lyrics implies” . hahaha. Sabi niya: “kala ko nakuha mo sa blog ko. May nakalagay kasi dun na katulad sa lyrics” ..

O sige na, tama na.masyado na ako marami nasasabi. Pumunta naman tayo sa Blog niya. Natuwa naman ako. Kasi yung blog niya parang ako yung may birthday. Hehehe... pero salamat talaga sayo ng marami. Pakiramdam ko birthday ko na. Pero salamat talaga ng marami. Di ko akalain na time will come na may taong gagawa sa akin ng ganito. So much kindness and care yung binibigay para sa akin. Kaya salamat talaga ng marami. Pasensyana kung diko kayang tapatang yung blog mo.di  talaga ako magaling sa writing. Salamat din kasi naapreciate mo yung mga simpleng bagay na nagagawa ko para sayo. Salamat din kasi naiintindihan mo yung mga kawalan ko. Hahaha..lalong lalo na yung pagiging malilimutin ko. Hindi naman sa diko tinatandaan kaso talagang malilimutin lang ako. Kaya salamat talaga ng marami.

Aabangan ko talaga yang surprise mo sa birthday ko. Hehehe.excited na din ako. Salamat uli 14. Tandaan mo na ikaw yung no. 1 BEAUTIFUL GIRL IN MY EYES AND IT WILL ALWAYS BE. Every effort is really worth doing. Salamat .

Wala na ako iba pang masabi. Kundi countless THANK YOU. Take care always.