Sunday, August 7, 2011

My Plant

Ayan na ang halaman ko ngayon. Before and after yan. mga 4 months na alaga yan. Hehehe. First time ko mag alaga ng halaman at di ko akalain na magiging ganyan ang kalalabasan. Katuwa talaga. di ko expect na aabot siya sa ganyan. Panu ba naman, halos mamamatay na yan nung binunot ko yan sa halamanan ng kaklse ko. Pero ang nangyari lumago lalo. nagsimula ako sa 6 na dahon sa kanya. At ngayon nasa 23 na ang dahon niya at patuloy pang dumadami. 


Angnakaklungkot lang, di ko pwede i-uwi ang halaman na ito. Kasi alangan naman magdala ako ng paso sa airport. Yes! alaga ko yan dito sa barko namin. Sagana naman kasi sa Carbon Dioxide yung kwarto ko kaya ganyan ang paglago niya hahaha. 
Bat nga ba umabot siya sa ganyang lago? Simple lang. Kantahan mo palagi, ilagay mo sa lugar kung saan lagi ka nag entertain ng bisita para yung hininga makuha niya, at ang pinakamakapangyarihan sa lahat UTOT. Hahaha.. Joke lang. Kaya nga sa tingin ko kung sa banyo nakalagay yan, mas malago pa yan.


Pero ayun, ipapaubaya ko siya sa Steward namin dito sa barko. Siya na muna ang mag aalaga sa kanya. Kaso nakaklungkot, pero kailangan. Mag aalaga na lang siguro ako ng panibagong halaman. di talaga ako mahilig sa halaman dito ko lang naisipan gawin yan sa barko. Medyo na-bore ako dati kakanet. Kaya ayun, one day naisipan ko mag alaga. In other words, naiinggit ako dun sa kaklse ko na may halaman sa kwarto niya. KAya ginaya ko siya. KAso mas malago yung halaman ko ngayon kaysa sa kanya.


Anyways, masaya pala ang magkaroon ng something na inaalagaan. Kasi very responsive. Lalo na ang halaman. Nakadepende talaga yung tubo niya sa way ng pag aalaga sa kanya. Ang saya. Kaya makikita niyo sa halaman ko na parang ang saya saya ko talaga. Hehehe. Pero di ko naman kinakausap yan. Hehehe. hindi pa. maybe some other time. 


O panu, try niyo din mag alaga ng halaman, matutuwa kayo for sure. Lalo kapag sinumulan niyo as young tapos palago ng lago habang tumatagal. Enjoy Everyone. :)

No comments:

Post a Comment