Monday, August 8, 2011

Insomnia na ata


Ayan, ganyan ang nangyayari sa akin ngayon. Na-insomnia na naman na ako. 


Kaya ayoko na natutulog ako kapag hapon eh. Ang epekto gising ako buong magdamag. Kahit pa isang oras lang ako makatulong ng hapon basta nakatulog ako ang resulta nun panigurado ay isang buong gabing pagdilat. Badtrip naman talaga. Kaya ayun pagkakataon para gumawa ng assignments. Kaso ang masama nito wala akong lakas kinabukasan sa trabaho. 


Mellow na ang music ko. Yung tipong di ko pa mga alam ang lyrics. Kaso walang naitulong sa akin. Kayo ba naranasan niyo na rin yung ganito? Di ko pa alam kong insomnia talaga ito o kalokohan ko na naman sa buhay ko. Hahaha.


Anayways, magandang chance din naman. Since malapit na akong bumabang barko kailangan ko na madaliin ang mga assignments na tinulugan ko sa nakalipas na 6 na buwan. 


Pero sabi dun sa nabasa ko sa magazine. Malaki daw ang naitutulong ng pagligo ng warm water. Tapos walang lights sa kuwarto. Play mellow music pero dapat hindi mo alam ang lyrics. Kasi kapag alam mo ang Lyrics, ang turn out nun kakanta ka na lang din buong magdamag. Kaya lalo kang hindi makakatulog. Try niyo ang ilan sa mga yan. Saka massage niyo yung forehead niyo, pati yung sides ng ulo.Then, make some exercises sa paa. Rotate niyo. May connection ata yun sa pagtulog. Promise na-try ko na lahat yan. Minsan effective minsan hindi. Depende talaga.


Pero siyempre kong angproblema niyo ay mukhang malala na. Aba mag isip na kailangan mo nanag komonsulta sa doktor. Kaya ayun. Ingatan po natin ang kalusugan natin. Dapat maintained yung oras ng pagtulog natin. Wag sisirain ang biological clock ng katawan. Kasi isa yan sa dahilan ng pagkakaroon natin ng mga sakit na kung ano ano lang. 


Sana nakatulong sa inyo ang post ko na ito .

No comments:

Post a Comment