This blog is composed of what i think of, what i want, what i do, what i experienced and what i am planning to do.
Thursday, August 11, 2011
Painting Time
Ayan ang aming paint room. Ang dumi noh! pero sagana naman sa stocks. Hehehe. saya lang. kaya kuha ka lang ng choice mo na paint. Syempre ANG available yung mga kulay na kailangan sa barko. Tulad ng Red, Gray, Yellow at Blue. yun nga lang madami choices kasi iba iba ang purpose ng bawat pintura. Depende kc qng saan mo gagamitin. basta lahat yan ang purpose is to avoid corrosion. Yun nga lang may long time effect ang mga paint na yan. allergy daw. kaya dapat full gear kapag gagamit ng paint. Meron din palang stock ng mga spray paints. Katuwa lang. yung mga ibang gamit for painting gaya ng timba, brush at kung ano pa. ay located sa ibang location. pero malapit lang din jan. Siguro napapaisip kau kung bakit ganito yung Blog ko ngayon. well, ito ang story nun.
Operation painting ako sa mga bagay na ito. Sa itsura ng mga yan kailangan na ngang palitan. And since hindi pa dumadating mga bagong stock niyan ay pipinturahan muna. Pero teka, alam niyo na ba kung ano yan? ang twag diyan ay Rat guards. Nilalagay yan sa mga mooring lines kapag nakatali ang barko sa port. Ang main purpose niyan ay para iwas daga sa barko. As the name implies nga. RAT GUARDS means a guard from rats. This is to prevent rat to go onboard the ship from the port. Astig noh? talino talaga ng nakaisip nito. Ahahaha.
Ang una kong ginawa ay kinuskos ko na lang muna ang mga lumang paint niyan. tinanggal ko para hindi sagabal sa pag pintura ko mamaya. At ayun nga nagtagumpay naman ako. Pero yan lang ginagawa ko, pinagpawisan na ako. AHAhaha. ang init naman kasi. EGYPT part pa kasi kami this time. 35C lang naman ang temp. HAhaha, kaya ayun... after kong magkuskos painting time na.
Ayan po ang paint bucket ko. Maersk Blue ang tawag sa kulay na yan. Hahaa. natawa na lang ako kasi inagkin na ng company ko yung color na yan. Hahaha... Siyempre konti lang ang laman kasi konti lang naman ang pipinturahaan ko. nakita niyo naman kanina diba. mga 8 na ganun lang.
At syempre bago magsimula ang pagpintura, kailangan ang PPE (Personal Protective Equipment) hahaha. syempre kailangan sumunod kasi part naman yan ng safety natin. Motto kasi ng barko ang "SAFETY FIRST" kaya ayun. todo sa safety. MEron yan Googles to protect my eyes from those paints that might spill on my eyes. Gloves to avoid direct contact with the paint and for cleanliness of my hands. Saka yung para sa takip ng ilong ko. Kasi direct smelling ng paint na yan can cause a long time effect on my body. Parang side effect kung tawagin. Dahil kung hindi magiging aliens daw kami in the mere future. Hahaha.
At ayun. isang buong umaga ko tinapos ang 4 na rat guards. magkaibang araw ko kasi ginawa. 2 sets yan. nagtagumpay naman ako. naging maayos naman ang lahat. Yun nga lang, ewan ko na lang sa katangahan ko talaga, natalsikan ang pisngi ko. Ako naman walang anu-ano ginawang facial cream ang thinner. ang resulta parang nagliyab lang naman ang mukha ko. Grabe, ang hapdi talaga. Pakiramdam ko kanina sinusunog mukha ko. Kaya ang ginawa ko hilamos ako ng malamig na tubig. Tapos hilamos ng facial scrub sabay moisturizer pagkatapos. Ang ending: mukha akong bagong ligo uli. Hahaha.. pero ok naman. di naman namantal o anu yung mukha ko. Ayos na ayos padin naman. Hahaha...
Ayan po ang finished product ng aking painting. Ahahaha. ayos naman, nagmukhang bago. Kaso mainit talaga yung panahon eh. nakaka walang gana lang kumilos talaga. Pero natapos ko naman. Kaso di ko pa alam kong anu ang iba ko pang gagawin. Sa ngayon yan lang muna. next time ulit
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment